Showing posts with label OPCM. Show all posts
Showing posts with label OPCM. Show all posts

Wednesday, February 27, 2008

Tawag sa Pagkakaisa



Verse 1: Tayo’y isang katawan
Sa harapan ng Maykapal
Hinubog ng Kanyang palad
Upang maging kagalakan
May isang Diyos na may layunin
At may utos niyang dapat sundin
Magmahalan, magpatawaran
Bunga ng pag-ibig
Diyos ang pinagmula


Chorus: Iabot mo ang ‘yong kamay
Kapitbisig sa pagkakaisa
Kung may tampuhan man
O kaya’y may alitan
Tapusin na, limutin na
Tayo’y magkaisa


Bridge: Pagkat ngayon, ang panahon
Ng pagsasama-sama
Sino ka man
Saan ka man
Di na ito mahalaga

Salamat, Salamat

Artist:
Album:



Verse 1:

Kung aking mamasdan ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan kung bakit ako’y
Pinili mo’t inalagaan


Refrain:

Di ko kayang isipin
Hinding-hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig Mo Hesus
Na Iyong binigay sa akin


Chorus:

Salamat, salamat o Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin na katulad Mo
Salamat, salamat o Hesus sa pag-ibig Mo
Ako’y magsasaya sa piling Mo


Verse 2:

Kung may pagsubok man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang aking sandigan
Hindi Mo ko pababayaan


Bridge:

Buhay ko na ang purihin Ka
Buhay ko na ang sambahin Ka
Wala nang ibang nanaisin pa
Kundi pasalamatan Ka

Ikaw, Ako, Mahal Ni Kristo

Artist:



Ikaw, ako, mahal Niya tayo
Kaya't tayo'y naririto
Nais Niyang malaman mo
Na ikaw, ako, mahal ni Kristo
Sa pag-abot mo ng kamay
Ngiti mo ay natatanaw
Nadarama ko ng tunay
Na ikaw, ako ay mahal Niya

Awit ng Puso

Artist:



Verse 1:

Paggising sa umaga naaalala Ka
Nasasabik ang puso ko na makapiling Ka
Umaawit, sumasamba, sumasayaw sa Iyo
Naghihintay ng pangungusap Mo


Chorus:

Ayaw kong magkulang ng kapangyarihan Mo
Ayaw kong magkulang ng kabanalan Mo
Hesus dakila Ka
Tanging sandigan ko
Lakas ko ay nanggagaling sa Iyo

Monday, January 28, 2008

Sapagkat Diyos ay Pag-Ibig

Artist: Papuri Singers
Album: Papuri I



Verse 1:
(Male)


Pag ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kalul'wa
At siyang nagdulot sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag asa


(Female)

Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kalian pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay


Chorus:

Pagka't ang Diyos nat'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayo't may nagmamahal


Verse 2:

Sikapin sa 'ting pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakok
Sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo

Hellsong

Artist: Ogie Cayabyab
Album: One Player






Chorus:

Alam mo ba kung saan ka pupunta
Kung patuloy ka sa pagkakasala
Oh alam mo ba kung saan ka pupunta
Kung ikaw ay di handa

[Chorus]

Verse 1:

Kung anong ganda ng langit
ay may lugar naman na kay pangit
At kay rami dung inaadmit lalo na
yung may sabit

Ang dilim dilim dilat man o pikit
Uod doon you're the food na favorite
Kulang man ang ngipin
Magiging complete sa sakit mangangalit

[Chorus]

Verse 2:

Pamaypay ay wala pati electric fan
Lalong wala doong aircondition
Wala ring ni isang bombero
na sa iyo'y sasaklolo

Higanting pugon na hindi namamatay
Maladagat na apoy na walang humpay
Sure na sure sa yong naghihintay
kung tuluyang pasaway

[Chorus]
[Chorus]

Ang lugar na yon ay iwasan
Mahal mo sa buhay please pagsabihan
Dun magkitakits sa kalangitan
Si Hesus tanging daan
Dun magkitakits sa kalangitan
Si Hesus tanging daan
Si Hesus tanging daan
Si Hesus tanging daan...

Wednesday, June 06, 2007

Hesus Dakilang Hari

Artist: D'Quartet
Album: Hesus Dakilang Hari
Track 01

Verse:


Si Hesus, bugtong na anak ng Diyos
Nagligtas, at sa atin ay tumubos
Bumago sa takbo ng ating buhay
Nagbigay sa atin ng bagong pag-asa


Chorus:

Kaya’t halina’t sama-samang magpuri
Sa ating Diyos dakilang Hari
Halina’t sama-samang awitan Siya
Itaas ang kamay at ikaway
Purihin natin ang ating Hari

[Verse]
[Chorus]
[Chorus]