Friday, January 30, 2009

Hindi Laro, Hindi Biro

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Verse 1:

Nasa loob ng simbahan ngunit ligaw ang isipan
Ang galing galing ng porma, Biblia nama'y naiwan
Pagbibigay na naman, mukha'y di mailarawan
Ikapu ba ng limangdaan ay limang piso lang


Refrain:

Kailan ka pa ba seseryoso
Kailan ka pa ba lalago
Kailan ka pa kaya matututo
Na ang paglilingkod ay hindi laro, hindi biro


Chorus:

Hindi laro, hindi biro
Ang maglingkod at sumunod
Ito'y hindi palingon-lingon at paliko-liko
Hindi laro, hindi biro
Ang maglingkod at sumunod
Ito'y buong kaluluwa, isip at puso


Verse 2:

At paglabas ng simbahan, dating gawi na naman
Paglilingkod ay patay-sindi, malahininga maligamgam
Bago matulog at kumain, nakakalimot manalangin
Sa biblia'y inaantok na, sa text at tv dilat ang mata

[Refrain]
[Chorus]
[Refrain]
[Chorus]
[Chorus]

Coda:

Ito'y buong kaluluwa, isip at puso
Ito'y buong kaluluwa, isip at puso
Ooh yeah!

Tira-tira

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan 1



Verse 1:

On time ka sa trabaho at sa date niyong magnobyo
Ngunit sa church service, ika'y laging late kung dumalo

Verse 2:

Lunes hanggang Sabado, hectic ang schedule mo
Pagsapit ng Linggo, sisimba lang kung postponed ang lakad mo


Chorus:

Tira-tira na lamang ba ang laging ihahandog sa Panginoon
Di ba't sabi mo, mahal mo Siya
Yan ba ang patunay mo sa Kanya
Tira-tira


Verse 3:

Ayaw mong paghsuayan angkin mong talento
at ang iyong katuwiran... ah! di bale! Sa simbahan lang naman

Verse 4:

Kapag ika'y nagkakaloob, mga buo ay tinatabi
At ang iyong love offering ay ang mga natitirang barya

[Chorus]

Yan ba ang patunay mo sa Kanya

[Chorus]
[Chorus]
[Chorus]

Magpakatotoo Ka Brother, Magpakatotoo Ka Sister

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Ad-lib 1:

Si YAMAN!
If you're one of this brother just it's what I am talking about to say
YAMAN! na na na na na na Oh Yeah!


Verse 1:

Mayroong isang kapatiran
Sipag niya sa church, di matawaran
Sa kanyang ministry, di siya pahuhuli
Ngunit sa bahay ay di siya maasahan


Verse 2:

May iba naman na pasimple
Ang dating sa church ay holing-holy
Ngunit kapag siya ay nag-iisa nalang
Doon lumalabas tunay niyang kaanyuan


Chorus:

Magpakatotoo ka, wo-hoo! Brother (Haa-aah-haa!)
Magpakatotoo ka, wo-hoo! Sister (Haa-aah-haa!)
Kitang-kita ka ni Lord (Haa-aah-haa!)


Ad-lib 2: (Pakikuha naman lyrics ng adlib na ito, ang hirap eh xD salamat!)

Verse 3:

Ang iba naman itong diskarte
Pag kaharap si pastor ay puring puri
Ngunit kapag ito'y nakatalikod niya
Oh kawawang pastor, headline sa tsismis nya


Verse 4:

Mayroon din namang itong bukambibig
Kumukulog na praise the lord at hallelujah
Ngunit kapag siya ay may problema
Maririnig mong malutong na puto't kutsinta


Bridge:

Anong gagawin mo kung tinamaan ka
(Haa-aah-haa! Wo-hoo!)
Anong gagawin mo kung tinamaan ka
Anong gagawin mo kung tinamaan ka
(Haa-aah-haa! Wo-hoo!)
Tinamaan ka ng awit kong ito
Everybody sing!
(A-haha-haha-aha!)
Come on and sing it! Everybody do it!
(A-haha-haha-aha!)
Come on and sing it aloud! Everybody do it right now!
(A-haha-haha-aha!)
Come on and sing it! Everybody.., Ako, Iyo o ang Lord? 
(A-haha-haha-aha!)

[Chorus]

Coda:

Magpakatotoo ka, wo-hoo! Brother (Haa-aah-haa!)
(Kitang-kita ka ni Lord, hala sige baka kunin ka ni Lord!)
Magpakatotoo ka, wo-hoo! Sister (Haa-aah-haa!)
(Kitang-kita ka ni Lord, hala sige baka kunin ka ni Lord!)
Kitang-kita ka ni Lord (Haa-aah-haa!)
[Repeat til fade]

Ipangaral ('wag ipangalakal)

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Chorus:

Ipangaral!
'Wag ipangalakal, salita ng Diyos
Natatanggap mong libre
Ibahaging libre sa mga tao
[Repeat]


Verse 1:

Naghihintay ako ng sasakyan sa may monumento
Nang may napansing nangangaral, pagliligtas ni Kristo

Sabi ko saking sarili, sana'y palaging ganito
Ngunit ako'y nabigla, may kumalabit, supot ang kanyang bitbit

[Chorus]

Verse 2:

Nung ako ay makasakay na, ang bus ay payapa
Nang biglang may tumayo, ipinangaral, Mabuting Balita


Refrain 2:

Sabi ko saking sarili, sana'y maraming ganito
Ngunit ako'y nabigla, sa kanyang kinuha, yun pala'y sobre

[Chorus]
[Refrain 2]
[Chorus]

Coda:

May tawag bang ganyan, handog mong kaloob sa bahay sambahan hindi sa lansangan
May sumisigaw pag-ibig ni Kristo, ang akala nila'y katulad mo sinaktan at binato

Salamat Kaibigan

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Verse 1:

Kahit mahirap gawin, mga ligaw ay abutin
Kahit pagod na ang paghahanap ay tuloy parin
Sarili ay kinalimutan upang iba'y paglingkuran
Mga kaluluwang nagbabalik-loob ang siya mong kasiyahan


Chorus:

Salamat kaibigan
Sa'yong ginagawa'y maraming buhay ang sadyang pinagpapala
Awit ko ay kulang pa upang pasalamatan ka
Sa langit lubos ang iyong gantimpala


Verse 2:

Panganib ay di inalintana
Buhay ma'y itataya
Kung kapalit nito'y kaligtasan lang sa mga nawawala
Dumudulog sa panalangin
Sumisigaw at dumadaing
At ang hinihiling, maraming puso pa ang babaguhin


Bridge:

Ipagpatuloy mo kaibigan ko ang iyong nasimulan
Marami pa roon ang naghihintay ng isang katulad mo

[Chorus]

Coda:

Sa langit lubos ang iyong gantimpala

Unang Pag-ibig

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Verse 1:

Bakit bigla kang nagbago
Bakit iba na sa puso mo
Tingin nila'y kaylapit mo Sa'kin
Ngunit ang totoo'y kaylayo mo


Verse 2:

Dati ay kay init mo pa
Ngayon ay kaylamig mo na
Bat mo Ako sinaktan ng ganito
Nasan na ba ang pangako mong


Chorus 1:

Ako lamang ang iibigin
Ang mamahalin
Magpakailanpama'y walang iba
Ako lamang ang laging iisipin
Ang sasambahin
Ngunit ngayon unang pag-ibig mo'y di na Akin


Verse 3:

Dati ay kay init mo pa
Ngayon ay kaylamig mo na
Di mo lang alam, nagseselos na Ako
Mas higit na siyang mahalaga sa'yo
Diba't sabi mo

[Chorus 1]

Bridge:

Naririto ako't naghihintay
Halika't abutin aking mga kamay


Chorus 2:

Ako lamang ang iibigin
Ang mamahalin
Magpakailanpama'y walang iba
Ako lamang ang laging iisipin
Ang sasambahin
Unang pag-ibig mo'y ibalik Sa'kin

[Chorus 1]

Coda:

Unang pag-ibig mo'y ibalik Sa'kin

Magdiwang

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Verse 1:

Mabigat ba ang pagsubok na iyong dinadala
Nais mo nang sumuko, di mo na kaya

Refrain 1:

Diba't sabi Niya ay magtiwala
Magpuri ka't Siya ang bahala


Chorus:

Magdiwang! Ano man ang kalagayan
Magdiwang! 'Di ka niya pababayaan


Verse 2:

Mga bulong ng diyablo, wag mong pakikinggan
Tagumpay ang kay Kristo lang matatagpuan


Refrain:

Basta't sabi Niya ay magtiwala
Magpuri ka't Siya ang bahala

[Chorus]

Bridge:

Sa pugon o sa tubig
Di ka mag-iisa
'Di ka mapapaso
Ni ikaw ma'y lulubog man

Magdiwang!

[Chorus]

Kita-Kita

Artist: Toto Florin
Album: Luto ni Toto - Walang Personalan



Verse 1:

Kulang na kulang man ang napagsamahan
Ako ma'y bitin din sa ating awitan


Verse 2:

Kayhirap talaga sabihin ang paalam
Sa katulad niyong kaysarap kasama

Refrain:

Sugustuhin ko man sa inyo'y manatili
Sa dako pa roon mas kay ibabahagi
Dibale't may araw ding magkikitang muli


Chorus:

Kita-kita na lang tayo
Kung di man sa lupa
sa langit magtatagpo
Kita-kita na lang tayo
Kahit di na sa lupa
Basta't sa langit
Kita-kita tayo

[Verse 2]

Refrain 2:

Ako may lalayo wag sanang maglaho
Ang mga awiting sa inyong mga puso
Tandaan may araw ding magkamustahan tayo

[Chorus]
[Chorus]

(Kahit di na sa lupa, basta't sa langit)
Kita-kita tayo
(Kahit di na sa lupa, basta't sa langit)
Kita-kita tayo